THE GLAMP ZAMBALES | Sitio Liwliwa, Zambales
Contributed by: Shane Del Rosario Chug
Para sa mga taong gustong ma-experience (or gustong ma-relive yung experience) yung camping pero at the same time eh gusto pa din ng comfort, you have to try THE GLAMP ZAMBALES. Sakto pa, 4-5hrs away lang sya from Manila and medyo relatively tahimik yung area compared sa ibang destinations, very good for people wanting to have peace and relaxation.
Mejo mahirap maghanap ng information about the place kasi relatively new lang siya. Nag-open lang siya this year and sobrang kaunti palang ng taong nagpopost about it. Kaya eto, I’m posting about it coz I think they deserve the recommendation. THE GLAMP ZAMBALES
HOW TO GET TO THE GLAMP ZAMBALES
1. Galing Manila, sakay lang kayo ng bus bound to Iba, Zambales or Sta Cruz, Zambales. Pwede kayong sumakay sa Victory Liner (Cubao, Pasay, Sampaloc, Caloocan).
NOTE: Remember to tell them na ang drop off point nyo ay sa SAN FELIPE. Pag ‘di nyo binanggit, babayaran nyo yung buong byahe pa-Iba/Sta Cruz.
We paid 315php per pax from Cubao to San Felipe via SCTEX. BTW, since mas mabilis ang biyahe sa SCTEX (took us ~4 hrs), mas mahal siya ng kaunti compared pag via San Fernando.
2. Pag dating niyo ng San Felipe (landmark: town market sa kaliwa, nearby 711 sa kanan), sakay kayo ng Trike.
Sabihin nyo kay Kuya, pa-Liwliwa kayo and ihatid kayo sa The Glamp. Pag ‘di nila alam saan yung The Glamp, sabihin nyo nalang na nasa likod ni “Mommy Phoebe.”
30 Php per pax yung tricycle ride compared sa nababasa ko sa mga posts na 30php for 2 pax. Siguro kasi onti yung turista kaya mejo mas mahal ung rate. Pero try nyo nalang din tumawad.
NOTE: If you’re planning to buy food sa 711, may onting rules lang si The Glamp. Wala pa kasi silang refrigerator na available sa public, so wala silang mapaglalagyan ng mga food nyo sakaling ‘di nyo sya maubos. So they are suggesting na wag kayo magdala ng mga pagkain na hindi nyo mauubos agad in one sitting. Coz mejo marami silang kaibigang langgam dun. 🙂
ALTERNATE ROUTE:
Take a Bus going to Olongapo and from there, sakay kayo ulit ng bus pa-Iba or pa-Sta Cruz.
CHECK OUT OTHER HOTELS IN ZAMBALES
via AGODA | via BOOKING
RESERVATION:
Sobrang dali lang ng pag-rereserve. You just have to inquire via their FB page. Then magdedeposit lang kayo ng kalahati ng total amount nyo.
So since 3D2N kami ng boyfriend ko, we paid 5000 as the downpayment.
Sakaling bumagyo at bahain yung lugar, may cancellation policy si The Glamp. Tanungin nyo nalang sila para hindi na masyadong mahaba ‘tong post ko. hahah!
TENTS:
Okay, so yung Glamping Tent ay may sariling AC (na pramis swear to God sobrang lamig!), may foam bed at unan na sobrang lambot and may complimentary water bottles. Meron din syang ilaw at saksakan so pweds mag charge ng phone.
TENT RATES:
SMALL TENT – 2-3 pax – 5000php per night
MEDIUM TENT – 4-5 pax – 7500php per night
BIG TENT – 6-8 pax – 10000php per night
INCLUSIONS:
• Complimentary breakfast
• foot massage
• S’mores kit
• parking space
Alam ko pag kinuha nyo yung mas malaking tent, may libreng beer and snacks din. So diba, super sulit talaga!
May pa-bonfire din pala sila every night kaya may s’mores kit. Pero at times na maulan and syempre, hindi pwede mag bonfire, may pa-movie sila sa common area para sulit pa din!
FOOD:
Besides sa may complimentary breakfast sila, they also cook lunch and dinner per request.
They’ll be giving you a list of food na available sa kanila pero you may also order out of the box. For as long as kaya kasi ng staff gawin and lutuin yung putahe na naisip mo, gagawin nila. Like nung 2nd night namin, nag-order kami ng mais con yelo kahit wala un sa menu nila and they obliged naman.
Pwede pala kayo magpaluto ng set meal (300php per pax) which includes 1 soup, 2 meat or fish, 1 dessert, and drinks.
Mejo onti pala yung kainan sa paligid ha. Kaya mas gusto nalang namin magpaluto eh. Besides, super sarap and super geneorus naman ng serving nila Kuya.
Comfort Room:
Each tent will have their own CR and Shower.
So basically, kaya ayaw ko ng mga glamping glamping keme dati kasi ayaw ko ng may ka-share sa CR. Pero dito nga kasi, one tent is to one CR/shower, so keri na. Mejo malayo lang talaga yung lalakarin nyo from tent to CR pero keri lang naman. Yung tubig nga pala eh super lakas pero sabi ni Kuya Pat, pag daw madaming tao sa buong lugar (pati sa ibang resorts), mejo humihina pero keri pa rin naman daw.
BEACH:
Hindi sya white sand. Pero pino pa din. Liwliwa is basically known as one of the surfing spots in the country pero nung pumunta kami, flat yung alon so di kami nakapag-surf. Inenjoy nalang namin yung pagtampisaw pati pagnood ng sunset. THE GLAMP ZAMBALES
OTHER ACTIVITIES:
Meron silang board games para hindi kayo mabore.
Pwede din kayong magpunta sa nearby falls (300php per head).
Pwede nyo ring i-try mag island hopping sa Anawangin and Capones Islands pero kami, we opted to do the ATV adventure (Liwliwa ATV Adventure).
STAFF:
Best part pala sa trip na ‘to, for me, yung staff ng The Glamp.
Everyone was just accommodating from the owners who answered ALL my queries promptly to the Ates and Kuyas nung time na ng stay namin. Nung paalis na kami, ayaw na nga namin umalis kasi super homey ng vibe eh.
GOING BACK TO MANILA:
Syempre sakay kayo ng trike pabalik sa San Felipe town proper.
Aantayin nyong may dumaan na bus pa-Cubao or pa-Olongapo.
Kami, sumakay kami ng Pa-Cubao pero bumaba kami sa Olongapo Terminal (80php per head) then nag-ikot ikot pa kami sa Subic. THE GLAMP ZAMBALES
Pa-uwi, sumakay kami sa Victory ulit pa-Cubao via SCTEX (235php per head).
VERDICT:
I highly recommend this place, as in super relaxing nya tapos for me, selling point nya yung super onti ng tao na pwede nyang ma-accommodate so parang mejo exclusive yung feels. Tapos ayun nga, super okay lahat ng tao kaya sulit talaga kahit mejo pricey. We’ll definitely come back siguro once mas madevelop pa sya (cause ang daming plans ng owners for the place eh).
THE GLAMP ZAMBALES
Liw-liwa, San FelipeSan Felipe, Zambalestheglampzambales@gmail.com
Comments are closed.