Potipot Island Travel Guide 2018 | Budget Itinerary & Tips

Contributed by: Joeffrey Gaila Biare 

Summer getaway? For those people na nagtitipid pero naghahanap ng magandang beach at the same time. Highly recommended po namin ng officemates ko ang Potipot Island sa Zambales. Mura na, white sand pa. Tahimik, makakapag relax ka! No need to rent a room, tent tent lang panalo na! Perfect for couples, barkada at pamilya.


Potipot Island Travel Guide 2018 | Budget Itinerary & Tips - https://twobudgettravelers.com

SAMPLE ITINERARY FOR POTIPOT ISLAND

Day 0
11:55 PM – Departure at Victory Liner Caloocan
(Sa Victory Liner Caloocan kami sumakay namin para direcho na, pwede rin namang Cubao or Pasay pero 2 rides, MNL-Olongapo then Olongapo-Sta.Cruz, Zambales)
Day 1
6:00 AM – ETA at Uacon (Plaza) Candelaria, Zambales.
From plaza, sumakay kaming tryc going to shore kung nasaan yung bangkero na contact namin na maghahatid sa Potipot Island. Mga 5-10 minutes tryc papuntang tabing dagat. Habang pini-prepare ng bangkero yung bangka na sasakyan namin, namili muna kami sa maliit na tindahan doon ng mga kakailanganin namin sa Potipot (Food, Water, Ice, Etc.) kasi medyo pricey ang bilihin sa Island.
7:00 AM – Departure going to Potipot Island
7:10 Arrived at Potipot Island! Free time!
Mga 5-10 minutes lang din yung boat transfer from shores to Potipot. As in malapit lang. Pagdating namin dun, naghanap lang kami ng spot kung saan namin itatayo yung tent namin. Tapos nagluto kami, kumain, naglaro ng cards, natulog, nag swimming, inikot yung island, nag picture taking under the beautiful sunset, atbp. Lahat ng pwedeng gawin dun, ginawa na namin. 😂
PS. Walang bayad yung tables, CR, shower rooms, grillers. Pero syempre ingatan lang natin at wag magkalat. Nakakahiya naman kung libre na nga bababuyin pa natin. 

Day 2

Nagising kami around 6AM, at wala kaming ibang ginawa kundi eenjoy lang yung sunrise, nag swimming, nagluto, kumain, Etc. Same routine as day 1.
Maraming activities ang pwede nyong gawin dun like Snorkeling, Kayak/Banana boat ride, etc.
But since relaxation lang naman pinunta namin dun, hindi na kami nag ganun, less pagod less gastos! 😂 Kuntento na kami sa foodtrip, soundtrip, at kung anu ano pang trip.
1:00 PM – Tinext na namin yung contact namin at nagpasundo para makauwi na pabalik ng MNL. Pero kung gusto nyo pang mag stay dun hanggang hapon. Choice nyo naman yun.
1:30 PM – Nakabalik na kami sa shores, nag tryc lang kami palabas ng highway 20pesos each tapos nag jeep papuntang bayan ng Sta.Cruz kung nasaan yung Victory Liner, 13 pesos each. Kung medyo nakakaluwag luwag naman kayo, pwede nyo na ipadirecho yung tryc to Victory Liner, 200 yung pamasahe.
Kumain muna kami ng lunch sa mga kainan sa Bayan, at sumakay ng bus byaheng 4PM pabalik ng Manila.
That’s it!


Potipot Island Travel Guide 2018 | Budget Itinerary & Tips - https://twobudgettravelers.com

Ad

BUDGET BREAKDOWN for Potipot Island

BUS RT – 902 (451 x 2)
TRYC RT – 40 (20 x 2)
BOAT TRANSFER RT – 100/head
ENTRANCE FEE – 300 Overnight / 100 Day tour
JEEP to Sta.Cruz Bayan – 13pesos
(400 pesos yung boat transfer round trip good for 5-6 persons, since apat lang kami 100/head kami. Meron din silang packages, including Entrance fee, Drinking water, Ice box, Kitchen Utensils, and Tent. 750/head if not mistaken.)
FOOD – Di ko na isasama, depende po yun sa gusto nyong kainin. Diskartehan nyo nalang po. 🙌
ACCOMMODATION – None (Bring your own tent lang kami. Meron din namang mga rooms dun kung ayaw nyong mag tent, 1500 ata.)


IMPORTANT THINGS TO BRING:

Power bank (Walang kuryente dun)
Flashlights
Lighter
Food (Medyo pricey kung dun pa kayo bibili)
Kikay kit
Papogi starter pack. Lol


Potipot Island Travel Guide 2018 | Budget Itinerary & Tips - https://twobudgettravelers.com Potipot Island Travel Guide 2018 | Budget Itinerary & Tips - https://twobudgettravelers.com

WHAT YOU SHOULD READ NEXT

CABONGAOAN BEACH + Death Pool | DIY Budget Travel Guide | How to Get There | Contacts
Tondol Beach in Anda, Pangasinan | Travel Guide 2018 | Rates | How to Get There
Manuel Uy Beach Resort, Batangas | Travel Guide | Rates | How to Get There | Itinerary
TALIPANAN BEACH: A Hidden Paradise in Puerto Galera

Comments are closed.