2D1N Sagada DIY Travel Budget Guide 2018
Budget + Itinerary | How to Get There | Where to Stay
Contributed by: Bea Almendras Sobrio
Share ko lang yung trip namin to Sagada for 2 days 1 night.
We are from Batangas pa so we travel to Manila (Cubao) para sa bus diretso sa Sagada. Yes, u heard it right. May bus going to Sagada which is the CODA LINES Corporation. Nag avail muna kami ng ticket thru their Online Booking. Sagada DIY Travel Budget Guide
May 2 choices na bus, Semi Deluxe; Super Deluxe (with Bathroom). Pinili namin yung Super Deluxe para comfortable. Travel time is roughly 12 hours. Pero nung nag travel kami, 2 hours kami na stranded along Banaue kasi may Landslide since rainy season talaga. Dumating kami sa Sagada ng 0945H, diretso kami sa Sagada Municipal Tourist Info Center, nag bayad kami ng P40/pax. Magbibigay din sila ng Map. Meron din dun nag aayos ng tour, pipili ka na lang.
Since DIY kami, nag hanap muna kami ng bahay na pag iiwanan ng gamit. Nag lakad lakad kami (Southwards) para pumili. We chose to stay in Labanet Lodge. Sobrang mura ng bahay tas sobrang ganda pa ng room. Sa 4th floor yung room so expected na sobrang ganda ng view!
[hoops name=”InArticle”]
Ang dami din kakainan dito. Syempre, bago pumunta ng Sagada nag search muna ako ng mga resto na affordable at masarap. Lakad lang Southwards, tabi tabi na ang resto dun. We decided na sa Strawberry Cafe mag lunch. And dude, believe me, sobrang sarap talaga! Lalo na yung Baked Porkchop and their Adobo. Grabe, wala akong masabi talaga! Yung rice nila is organic Sagada brown rice. Must try in Sagada!
Since we have plenty of time pa, nag lakad lakad pa kami at hinanap ang Sagada Lemon Pie House. We tried their Pie (of course), and its so Lit! Unang tikim pa lang, bibili ka pa agad ng isang slice ng pie! Sobrang sarap! Nag try din kami ng kanilang Lemon Tea at sobrang sarap din!
Siesta after lunch. Sobrang exhausted sa byahe pero sulit naman sa magagandang view na madadaanan lalo na ang Banaue Rice Terraces.
We decided na unang puntahan ay ang St Mary’s Church. Sobrang Instagrammable nung place. Sobrang tahimik. Sobrang ganda. One of the most beautiful churches I’ve ever been.
After our Eco Tour, biglang umulan so nag stay muna kami sa St Mary’s Church. Kasama namin si Ate Barbara Bumatang, according to her maganda daw pumunta sa Sagada tuwing November 1. Dun daw kasi nag titipon-tipon ang mga Igorot kagaya nya para sa isang fiesta ata yun. They will wear their usual Igorot attires. Sabi pa nya, January-February daw ang pinaka malamig na month sa Sagada.
From St Mary’s Church, nag punta kami sa Tourist Info Center para mag hanap ng tour sa Marlboro Country. At dahil 2 lang kami, sobrang mahal! We need to pay P2,650. Ang mahal, dude! So nag hanap hanap muna kami ng ibang turista na naghahanap din ng Marlboro tour. Luckily, we met Giselle and company (turista from Manila) sa Sagada Public Market. We talked ganern, kwentuhan. According to her, nag tour sila sa lahat ng tourist spot sa Sagada that costs P2,500 lang. So inggit kami. Nirecommend nila si Kurkey, their tour guide and we gave thanks.
We contacted Kurkey while having our coffee at Bana’s Cafe (Best Coffee Shop in Sagada, A MUST TRY!) Sabi nya, ibabayad lang namin is P1,450 to accommodate 1-10 persons. So we need to look for other tourist na mag Marlboro tour. Luckily, we met these two Cebuanos (Ghenz and Biboy) na naghahanap din ng tour. Pag hahatian namin ang P1,450 para hindi masyado masakit sa bulsa
We decided na mag dinner together (Ghenz and Biboy) sa Yogurt House (Southward, Sagada near Strawberry Cafe) para pag usapan at mag kwentuhan na din. The best yung Yoghurt dito, guys! Medyo pricey but worth it naman! Sobrang ganda ng place, rusty style ang resto nila.
At exactly 04:00 am kami umalis, para maabutan namin ang sun rise which is 05:30 am. 30-40 minutes trekking, medyo muddy paakyat pero worth it yung view sa taas! 05:00 kami nakataas.
Boy, I almost cried! Ang ganda! Sobrang ganda! 360 view ang sea of clouds. Isa sa mga Bucketlist ko, at sobrang fulfilling kasi finally nakita ko na sya personally. A MUST VISIT IN SAGADA!
So yeah, we had our brunch at Sagada Brew. Sobrang sarap din esp their Power Breakfast and ‘course their coffee
Bye for now, Sagada! We’ll be back that’s for sure!
Expenses:
Bus to Sagada (Coda Lines; infront of Five Star bus, along with HM Transit. Visit their website codalineph.com for Online Booking) Semi Deluxe- P720, Super Deluxe- P980
Sagada Tourist Fee- P40/pax
Accommodation- Labanet Lodge (0920 948 3133) P300/pax per night
Sagada Tours – I recommend Kurkey (0929113 8253)
Guys, sobrang bait neto taong ‘to! At dahil 2D1N lang kami, konti lang ang napuntahan namin. Pero okay lang, sa Marlboro Country pa lang SAPAT NA!
Echo Tour- P300/tour guide, dalawa lang kami
Marlboro Country- P1,450/tour 1-10 visitors
Must visit Restos in Sagada: ❤️
Strawberry Cafe– P150 to P200/pax
Sagada Lemon Pie House– P100/pax
Bana’s Cafe– P150/pax
Yogurt House– P150 to P250
Sagada Moonhouse (Cutest bar I’ve seen)- P70 to P80/beer
Sagada Brew– P150/pax
[hoops name=”InArticle”]
How to Get to Sagada
There’s a direct trip from Manila to Sagada.
From Manila head to HM Transport Cubao Terminal in Quezon City where you can ride a Coda Bus Line bound for Sagada. Take note that there is only 1 trip daily at 9:00 PM. Fare: Semi Deluxe- P720, Super Deluxe- P980. Travel time is roughly 12 hours. Sagada DIY Travel Budget Guide
CODA LINES BUS SCHEDULE
TIME | ROUTE |
09:00 PM | Cubao, Quezon City to Sagada |
03:00 PM | Sagada to Cubao, Quezon City |
04:00 PM | Bontoc to Cubao, Quezon City |
06:30 PM-7:00 PM | Banaue to Cubao, Quezon City |
WHERE TO STAY IN SAGADA
1. Isabelo’s Inn and Cafe (as low as ₱300) [Book via AGODA | BOOKING]
2. Shamrock Tavern Inn [Book via AGODA | BOOKING]
3. Kanip Aw Pines View Lodge [Book via AGODA | BOOKING]
4. Coffee Heritage House & Hostel [Book via AGODA | BOOKING]
5. Rocky Valley Inn and Cafe [Book via AGODA | BOOKING]
[hoops name=”InArticle”]
Comments are closed.